Mastodon
@Boston Celtics

BIG MOVE para sa Boston Celtics! Jrue Holiday for Anfernee Simons



BIG MOVE para sa Boston Celtics! Jrue Holiday for Anfernee Simons

BIG MOVE para sa Boston Celtics Trinade nila ang 2-time NBA champion na defensive guard na si Jrue Holiday para kay Anfernee Simons at picks. Start na rin kaya ito ng something para sa kanila this offseason? Inaasahan naman nang gagawa ngayon ng multiple na moves itong Boston Celtics matapos ma-injure ang kanilang Best Player na si Jayson Tatum this playoffs. Na malamang mawawala rin halos buong 2025-26 season or worst, hindi talaga makalalaro at all. Pero still, susubok pa rin yan sila na magcompete lalo bukas ang East next year gawa ng dami ng superstars na nadali ng bigating injuries. Bukod sa player nilang si JT, Ang Bucks, kay Damian Lillard, then, ang naging hari ang conference nilang Pacers kay Tyrese Haliburton. Pare-pareho ring Achilles ang tama niyan kaya ire-require talaga ng some time para makarecover. Kaya naman kung ikaw sa Celtics, sayang din na hindi sumubok Kaya heto, first na move nila, ang pag-trade kay Jrue Holiday sa Portland Trail Blazers. Para yun kay Anfernee Simons, na isang great na scorer para sa team. Sa last 3 seasons nito, nag average siya ng 20 points Bagay na malaking tulong dito sa Celtics next season dahil anlaki nga ng mawawala sa fire power nila sa absence ni JT. Upgrade itong si Simons kay Holiday na fit din sa playstyle nila sa amount ng threes na binabato niya. Yun nga lang, ang downside, mararamdaman din nila yung bagsak sa perimeter defense nila. Nowhere near ang defense niyang si Simons kay Holiday. Pero ganun talaga di ba, may trade off naman talaga yang move nila lalo hindi lang din naman basta laro ang reason kung bakit nila shinip si Jrue. Pati sa financial din ng team, nag unload sila, ang bigat ng contract niyan tatlong seasons pang over 30 million ang sahod. Thirty five na rin si Jrue, ang hirap non, pataas yung bayad sa contract, while pababa naman na yung laro sa coming years. Kaya Smart na move ito para sa Boston. Nakaiwas sa mahabang commitment, at malaki ang matitipid. Si Simons, expiring deal naman yan, less yung risk kung maganda laruin at fit sa team, ikeep niyo kung hindi naman, at least naka-exit sila sa big contract ni Jrue. Kung hindi rin naman sila serious contender this year, at 37 na si Jrue sa 2026-27 season pagbalik ni Tatum, ay mage-gets mo yung ginawa nitong Boston. Kasama rin ni Simons, may two second round picks pa ron na maaaring magamit nila sa ibang deals. Para naman sa Portland Trail Blazers, Maaaring makapagbigay naman ng impact itong si Jrue Holiday sa team Yung defense niya, championship experience, at veteran leadership sa young core nila. Magiging great na mentor din siya sa future stars ng team na sina Scoot at Sharpe. Though yung pinaka-WHY nga lang sa trade na ito para sa Blazers ano, hindi enough para sa amount ng burden na dadalhin nila sa coming years. Babayaran nila ng 100 million itong si Holiday hanggang 2028 Malamang pipickupin niyan player option niya nun, dahil 37 na siya nun at hindi na siya makakakuha ng 37 million para sa 2027-28 season sa any team. Lalo sa declining niya nang numbers ngayon pa lang. and also, promising na player din yung bintawan nilang si Simons although medyo redundant nga sa guard position, pero still may bright na future ito. Paalala, Best Player nila yan nung regular season, Best Scorer nila Kung hindi man nila plano ikeep, sana trinade na lang sa mas magagamit nila long term at swak sa timeline ng young core nila. Kaya sa dulo, sa tanong kung sino nga ba ang panalo sa trade, Walang duda, Boston Celtics. Nadekwat nila ang Best Player ng Blazers, nakapag chuck in ng dagdag na scoring sa absence ni Tatum next season, nakatipid pa sa pasahod at taxes, at nakaiwas sa mahabang commitment kay Jrue. Also, ayon kay Shams, hindi pa tapos yang Celtics ngayong offseason, may mga susunod pang trades yan. Ang mga tinitignan, yang sina Kristaps Porzingis at Payton Pritchard pero we’ll see pa kung may iba ngang maiinvolve. Ang goal in mind niyang team, makatipid pa, at makasubok ding pumalag sa coming season kahit na wala gaanong expectations sa kanila.

BIG MOVE para sa Boston Celtics,

Trinade nila ang 2 time champion na defensive guard na si Jrue Holiday, para kay Anfernee Simons at picks.

Start ito ng something para sa kanila this offseason.

WGPH on Social Media:
▸Follow on Facebook: https://www.facebook.com/wgameplayph
▸Follow on Instagram: https://www.instagram.com/wgameplayph
▸Follow on TikTok: https://www.tiktok.com/@wgameplayph
▸Parekoy Basketball Group: https://www.facebook.com/groups/wgameplayph

Inquiries: wgameplaynba@gmail.com

35 Comments

  1. Change coach din kailangan nila, ang gagaling ng mga players nila, may 4 sa kanila na pwde mag score ng 30pts a game, pero walang kwenta kasi coach di marunong, pinipilit lahat ng tres every game, di marunong mag control ng players niya tira lng ng tira kahit pwde nman easy shots. Walang system yung coach.

  2. Sa pagkapanalo ng OKC ko alam ko maraming makikibandwagon at makikifuns kay king Shai at sa OKC ko. Welcome kayo lahat dito sa team ko. Wag na kayong bumalik sa dati nyong team para d nyo na maranasan maging talunan. Mark my worlds! ⚡️☝️

  3. Si King Shai lang sa history ng basketball ang naging mvp, western Fmvp at finals mvp. Kaya sya na ang dapat tanghaling Great Taste Player of All-Time. Mark my worlds! ⚡️☝️

  4. Walang duda OKC na tlga ang pinakamalakas na team sa history ng basketball. Eto na ang start ng granslam at 4 feet champion. Maniwala kayo sa lakas ni King Shai Gorgeous Alexander. Mark my worlds! ⚡️☝️

  5. Nakajackpot ang celtics dito oamalit pansamantala habang wala si tatum sya magiging 2nd option sa offense kapag andyan si tatum 3rd option si simon

  6. Walang problema ang blazers parekoy kasi loaded sila sa gwardya sa scorer, tingin ko nga isa itong team na to ang aarangkada nitong nxt season..mayroon silang: Jerami Grant
    Deni Avdija
    Matisse Thybulle-(guard)
    Scoot Henderson-(guard)
    Shaedon Sharpe-(guard)

  7. Biglang stopover si Jrue Holiday sa Portland Trail Blazers tapos kung biglang buyout siguro di kasama sa rebuilding process sa kanilang team, shifts to my favorite team Los Angeles Lakers or any NBA contender/playoff teams di pa po siguro kung ganito yung moves nila. Ganun din ng situation sa PBA hehe.

  8. You forgot to mention the 2nd Apron that's why the Cs are dumping salaries now. They might also flip Simons to a lower salary expiring player with add'l picks. A Brad Steven style of trade. Btw, they are not trading Pritchard, it's Hauser. PP has a good valued contract while Hauser is expiring and could be replaced by Scheirmann.

  9. iba din kase yung bagong CBA ngayon, talagang parity gusto ng NBA yung lahat ng teams magkaroon ng championship.

    Eh sa value ni Jrue Holiday agree ako na magdedecline yan sa coming years parekoy. Maaaring di na ganon ka-lockdown defender si Jrue habang tumatanda.

    Steal talaga to sa Boston since mga 25 mil lang ata contract ni Simons at nakaiwas pa sa penalty sa tax.

  10. Lodi tanong lang, pwede ba ma-ban sa channel mo mga nag-co-comment ng rage bait at trolling?
    Nakakabanas magbasa ng comments dahil sa mga hinayupak na trolls kasi.

Write A Comment