Mastodon
@Orlando Magic

BANCHERO’S MAGIC CONTRACT!



BANCHERO’S MAGIC CONTRACT!

BANCHERO’S MAGIC CONTRACT!

Isang tumataginting na $287 million, five-year extension ang ihinandog para sa rising star at franchise player ng Orlando Magic na si Paolo Banchero.

Sa tatlong season ni Banchero para sa Magic, dalawang sunod na playoff year ang napasukan ng Orlando. Ito ay sa mga taong 2023-2024 at 2024-2025.

Bagamat hindi naging maganda and debut year ni Banchero dahil sa record na 34-48, naging maganda naman ang pasok ng dalawang sunod na taon para sa Magic sa pagpasok nito sa playoffs sa mga kartadang 47-35 noong season 2023-2024, kung saan ito nakipagdikdikan sa Cleveland Cavaliers pero natalo sa seven games, at 41-41 record nito lamang 2024-2025 season at napatalsik ng Boston Celtics sa loob ng limang laro.

Hindi na rin nakapagtatakang bigyan ng malaking kontrata ng Orlando si Banchero. Sa mga averages na inaambag nito sa koponan na 25.9 points, 7.5 rebounds at 4.8 assists, dapat lang na suklian ng Magic ang mga naitulong ni Banchero bilang player at pagiging mukha ng basketball franchise.

Mula sa World Basket PH, congratulations Paolo Banchero! 🔥🏀🔥

📸NBA

Via NBA

#everyone #followers #PaoloBanchero #OrlandoMagic #NBA #basketball #WorldBasketPH

Write A Comment