VANVLEET, ROCKETS IN PAIN!
VANVLEET, ROCKETS IN PAIN!
Dagok para sa Houston Rockets at star point guard na si Fred VanVleet matapos matamo ang isang torn ACL, na makakapagpaupo sa kanya sa buong 2025-26 NBA season.
Nakuha niya ang pinsala sa isang offseason workout, sa ulat ng ESPN.
Si VanVleet — isang dating NBA champion ng Toronto Raptors noong 2019 at one-time All-Star — ay naging bahagi sa pagbabalik ng Rockets mula sa pagiging lottery team tungo sa pagiging playoff contender sa loob ng dalawang season.
Nakaraang Hunyo lamang ay pumirma si VanVleet ng dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $50 milyon kasama ang Rockets, na may kasamang player option para sa 2026-27 season.
Mula sa World Basket PH, fastert recovery sa ‘yo Fred VanVleet! 🏀🔥🏀
📸Wendell Cruz-Imagn Images
#everyone #followers #FredVanVleet #HoustonRockets #NBA #basketball #WorldBasketPH